Bibigyan ng trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biyuda ng labing limang sundalo na nasawi sa bakbakan sa pagitan ng militar at abu sayaf sa sulu, sa pagbisita ngayong hapon ng pangulo sa mga labi ng mga nasawing sundalo.
Sa Zamboanga City ay personal na ipinaabot ng pangulo ang kanyang pakikiramay nakakalungkot anya na patuloy na nagpapatayan ang mga sundalo at teroristang grupo ayon sa pangulo kinakailangan lamang makipag-ugnayan ng mga biyuda.
Sa mga regional office ng Department of Interior and Local Goverment (DILG)Maaari aniyang ipasok sa local o nationak position ang mga nabyuda, bukod dito, otomatiko na rin na magiging miyembro ang mga naulila ng 4ps o pantawid pamilyang pilipino program ng DSWD, makakatangap din aniya ng isang sako bigas kada bwan ang mga ito sasagutin na rin ng pangulo ang pag-aaral sa mga anak ng mga namatay na sundalo mula kinder garten hanggang highschool sa mga pambubliko paaralan.