Sponsored Link

Biyernes, Agosto 5, 2016

Rey

MARUMING KATAYAN NG MANOK SA QUEZON CITY TULUYAN NG IPINASARA.

Tuluyan nang ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang isang katayan ng manok makaraang mapatunayan na sadyang napakarumi nito at hindi sumusunod sa alituntunin ng ordinansa at batas. kinumpirma ng city veterinarian Dr. ana maria cabel matapos hnd pumasa sa sa sanitation standards.


Ang katayan ng manok ayon sa mga nag inspeksyon wala rin daw itong business permit at nang abutan ang mga manggagawa ng katayan ng manok ay wala kasuotan na pang itaas. ayon naman sa mga manggagawa sa nasabing katayan hindi raw nila kinakaya ang sobrang init ng gusali.


Kung saan ginagawa ang pagkatay ng mga manok..ngunit hindi sapat na dahilan yun ayon sa mga naginspeksyon sa katayan. swa isang banda marami ring pala mga katabing bahay ang nagrereklamo sa nasabing katayan ng manok  dahil sa masamang amoy na tila nabubulok na mga lamang loob ng manok at dugo isama na rin dito ang halo halo amoy ng pawis ng mga mangagagawa rito. Samantala, nakatutok na rin ang National Meat Inspection Service, sa mga palengke para mapigilan ang pagtitinda ng mga "botcha" o mga bilasang karne.

Subscribe to this Blog via Email :