Isang chinese national ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Customs matapos mahulihan ng iligal na kontrabando sa Ninoy Aquino Airport Terminal 2 kinilala ni Cutoms Enforcement Division Deputy Commissioner Arnel Alcaraz ang suspek na si Hu Hong Cheng na galing sa Guanzhou China.
Sakay ng Philippine Airlline flight PR 383 kinumpiska mula sa suspek ang 37 mga kahon ng naglalaman ng assorted na kontrabando kabilang dito ay mga skimming devices ibat-ibang credit cards, mga official chinese documents at gamit sa forgery o pamemeke.
Kaugnay nito sinabi alcaraz na balak nilang makipagugnayan sa Chines Embassy dahil may mga nakuha sa suspek na Chinese marriage certificate at iba pang opisyal na dokumento ng pamahalaang China balak din nilang iturn-over ang suspek sa Pasay City Presicutors Office para masampahan ng kaso kabilang ang paglabag sa Repulic Act8484 o Access Devices Regulatio of 1998 O ang batas kontra sa panloloko gamit ang mga credit cards.