Sponsored Link

Sabado, Hulyo 23, 2016

Rey

Alok na maging special envoy sa China tinanggap na ni FVR

Makaraan ang halos ay dalawang oras na pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos na handa na siyang maging special envoy ng Pilipinas sa China sa isyu ng usapin sa West Philippine Sea.


Sa kanilang pulong sa Marco Polo Hotel sa Davao City, sinabi ni Ramos na binigyan na siya ng go signal ng kanyang duktor para tanggapin ang alok na trabaho sa gobyerno. Nagdadalawang isip daw si FVR dahil umano sa kanyang kalusugan.

Nakausap na rin niya ang kanyang pamilya sa isyu at sila ay pumayag sa muling pagbabalik sa pamahalaan ng dating pangulo. Kaya't gagawin daw niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang magawa ng maayos ang kanyang tungkulin.

Kasama sa naging pulong kanina nina Duterte at Ramos ang ilan sa mga miyembro ng gabinete.


Sa kasalukuyan ay tinatapos na ni Duterte ang laman ng kanyang State of the National Address na kanyang ihahayag sa publiko sa Lunes.

Subscribe to this Blog via Email :