Sponsored Link

Huwebes, Hulyo 14, 2016

Rey

Sa sobrang Galit ni Chief PDGen Ronald dela Rosa sa Kapulisan na Gumagamit ay Tatanggalin Agad

Hindi naitago ni PNP Chief PDGen Ronald dela Rosa ang kaniyang galit sa report ng PNP Crime Laboratory na nasa 20 mga pulis ang kumpirmadong gumagamit ng shabu o ipinagbabawal na gamot.

Sa panayam kay Dela Rosa kaniyang sinabi na gusto nitong sakalin ang mga pulis na adik sa harap ng media at publiko.

Sinabi ni Dela Rosa na hindi sila dapat manatili pa sa serbisyo dahil hindi lang sila lumalabag sa batas kundi ipinapahiya pa nila ang buong PNP organization.

Kaugnay nito, inatasan ni PNP chief ang kaniyang mga regional police directors na tiyakin na lahat ng mga nasa anti-drug operation ay may malinis na record.

Pagbibigay-diin ni Dela Rosa na ayaw na niyang makarinig na may mga drug operatives na gumagamit ng shabu o di kaya nire-recycle ang mga nahuhuling illegal drugs.

Subscribe to this Blog via Email :