Ang tagumpay ni Joseph Schooling ay hindi lang dahil sa nakuhang gintong medalya pinuri at pinalakpakan ng buong mundo ang batang atletang ito dahil sa pagbibigay pugay at lugod sa mga taong tumulong at sumoporta sa kung ano man sya ngaun.
Si joseph schooling ang kauna-unahang Singaporean na nag-uwi ng gintong medalya sa swimming ng OLYMPICS. ginamit nyang opurtunidad ito upang pasalamatan ang isang babaeng lage daw nasa kanyang tabi ang kanyang nanny na si Yolanda PascuaL or auntie yolly na isang pinay.
Ayon kay joseph si auntie yolly ay nagsilbing pangalawang ina na nya , noong bata pa daw si joseph isa sya sa mga batang mahirap alagaan subalit inalagaan ginabayan, ipinagluluto at tanging kasama nya sa bahay ang kanyang auntie yolly.. hindi na raw makakahanap pa si joseph ng pangalawang ina or nanny sa kanyang tabi para tulungan sya sa lahat lahat..Ayon naman sa panayam kay yolanda pascual ganun din ang nadarama nya para sa kanyang alaga itinuturing din nya itong parang tunay na anak tuwing uuwi daw sya ng pilipinas para magbakasyon ay namimiss nila ang isat isa kaya lage silang naguusap sa telepono, magkatxt para kamustahin ang isat -isa, kayat nung manalo si joseph hindi nya maipaliwanag ang nararamdamang saya sa pagkapanalo ng kangyang alaga. minsan na daw sinabi ni joseph sa kanya na gusto nyang maging no.1 gaya ng iniidolo nyang si michael phelps. malakas naman ang kanyang paniniwala na magagawa ito ng kanyang alaga.