Sponsored Link

Huwebes, Hulyo 14, 2016

Rey

Mga Pamilya ng Naarestong Muslim sa Quipo sumugod sa Presinto

Sumugod sa Plaza Miranda Police Community Precinct sa Maynila ang pamilya ng mga Muslim na pinagdadampot kaninang madaling araw.

Ito’y para igiit na walang kasalanan ang kanilang mga inarestong kaanak sa isinagawang Oplan Galugad sa bahagi ng Islamic Center sa Quiapo

Ngunit ayon naman kay C/Insp. JOHN Guiage, Hepe ng pulisya sa lugar, isinagawa nila ang operasyon batay na rin sa impormasyong kanilang natanggap na pugad ng ipinagbabawal na gamot ang nasabing lugar.

Ngunit ng ito ay pasukin ng mga awtoridad ay wala silang nakuhang kahit anong droga at sabi pa nila ay pupwede itong dalhin o itabi sa ibang lugar dahil sigurado daw na nakatimbre ito.

Pagtitiyak pa ni Guiage, agad palalayain ang mga mapatutunayang walang kasalanan habang pananagutin naman ang iba dahil sa paglabag sa ordinansa tulad ng pag-iinom sa kalye o di kaya’y paglalakad ng walang damit pang-itaas.

Subscribe to this Blog via Email :