Sponsored Link

Huwebes, Hulyo 14, 2016

Rey

Pagtaas ng Sweldo ng mga Pulis Pinaproceso pa

 Inanunsyo ngayon ng Malakanyang na walang aasahang dagdag-sweldo ang mga Pulis at Sundalo sa susunod na taon.

Taliwas ito sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga botante noong panahon ng kampanya.

Maging noong nakaupo na sa puwesto na dodoblehin niya ang sweldo ng mga pulis at sundalo bago matapos ang taon.

Ipinaliwanag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na wala sa p3.35-Trillion Proposed Budget sa 2017 ang salary increase sa mga pulis at sundalo.

Agad namang pinakalma ni Diokno ang mga pulis at sundalo at iginiit na nasa proseso ang pagtataas ng sweldo sa kanila.

Subscribe to this Blog via Email :