Sponsored Link

Lunes, Hulyo 25, 2016

Rey

Sen. Recto, naglaan ng P100-K reward vs suspek sa Batangas ex-media killing

Magbibigay ng P100,000 pabuya si Senate President Pro-tempore Ralph Recto para sa sinumang makapagtuturo sa salarin na pumaslang sa dating journalist na si Mei Magsino sa lalawigan ng Batangas.
Ayon kay Recto,



 ido-donate niya ang naturang halaga sa bubuuing reward pool ng pamahalaan.
Iginiit ni Recto na dapat na managot at maparusahan ang sinumang nasa likod ng krimen.
Hindi aniya dapat na mapabilang ang pagpatay kay Magsino sa mga kaso ng mamamahayag na namatay sa ngalan ng katotohanan at hindi nabigyan ng katarungan.




Mariing kinondina ni Recto ang pagpatay sa kapwa Batangueno na bagamat hindi na aktibong kagawad ng media si Magsino ay patuloy ang krusada sa paghahanap sa katotohanan sa mga isyu sa lipunan.
Hamon pa ni Recto sa mga otoridad, tuldukan na ang impunity sa bansa at resolbahin ang mga kaso ng pagpatay sa mga mamahayag

Subscribe to this Blog via Email :