Sponsored Link

Huwebes, Hulyo 14, 2016

Rey

Victory Liner suspendido ng 30 araw

Sinuspinde ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw ang operasyon ng Victory Liner na may rutang Tuguegarao-Manila at vice versa.


Ayon kay LTFRB boardmember Arien Inton, ang suspension order ay pinalabas ng LTFRB board laban sa 17 units ng Victory Liner na may ruta sa Tuguegarao makaraang masangkot sa isang malagim na aksidente ang isa nitong unit nitong Martes (July 12).

Sa aksidenteng ito, patay ang lima nitong pasahero at may 30 iba pa ang nasugatan nang sumalpok ang minamanehong bus ni Ryan Manuel, 28, sa isang concrete barrier sa may Putlan Village papuntang Tuguegarao.
Sinasabing mabilis at malikot ang pagmamaneho ni Manuel kayat bumangga ito sa concrete barrier. Ang mga sugatan ay dinala sa ospital sa San Jose, Nueva Ecija.

Inatasan din ng LTFRB ang may-ari ng Victory Liner na isurender sa ahensiya ang yellow plates ng 17 unit na magkakasama sa isang franchise ng bus na naaksidente.


Sinabi ni Inton na aalamin ng board kung nakapagbigay na ng tulong ang bus company at ng insurance company ng bus ng financial support sa mga biktima ng aksidente.

Subscribe to this Blog via Email :