Sponsored Link

Biyernes, Agosto 26, 2016

Rey

3-TAON NA BATANG LALAKE NA ISINILID SA SAKO NG AMAIN PARA RAW DISIPLINAHIN NAMATAY!!

Nauwi sa isang trahedya ang pagdidisiplina sa umano'y matigas ang ulo at sobrang kulit na tatlong-taon gulang na batang lalake na isinilid sa sako ng kanyang amain sa Davao city nitong byernes, nakilala ang bata nasi Kian Gabriel Agustin.


Ayon sa kapatid nito na nakasaksi sa pangyayari isinako, isinabit at pinalo umano ng suspek na amain na kinilalang si Sonny Mendoza ang nasawing bata ayon pa sa nasaksihan ng kapatid 10 beses raw nahulog sa sahig ang biktima habang nakasilid sa sako.


Dagdag pa ng kapatid ng biktima awang-awa sya sa kanyang nakababatang kapatid na pinarurusahan daw dahil sa pagiging makulit nito nais nya daw tulungan ang kanyang kapatid subalit binalaan sya ng amain na sa oras na tulungan ang biktima ay isisilid din daw sya sako nito, nang mapansin na hindi na gumagalaw ang biktima humingi sila ng tulong sa barangay at dinala sa malapit na klinika pero hindi na ito umabot  ng buhay ang bata, iginiit naman ng amain na isang bese lang daw nahulog sa sahig ang bata at posibleng tumama raw ang ulo nito sa sahig ,sinampahan na ng reklamong murder ang amain nitong si Sonny Mendoza, habang reklamong parricide naman ang isinampa sa ina ng bata dahil sa wala raw itong ginawa para pigilan ang pagpapahirap sa bata.

Subscribe to this Blog via Email :