Sponsored Link

Lunes, Agosto 29, 2016

Rey

9- NA TAON GULANG NA LALAKE NA NANGHUHULI NG GAGAMBA.. NATAGPUAN PATAY AT PUTOL ANG DALAWANG PAA.

Bangkay na ng matagpuan ng mga otoridad ang 9-na taon gulang na batang lalake matapos syang mawala nitong myerkules putol ang dalawang paa nito, kinilala ang bata na si daniel jay niangco  na natagpuan patay sa isang maputik na bahagi sa brgy bilibiran binangonan rizal.


Naagnas na ang katawan ng bata at putol ang dalawang paa ng makita ito, hinala ng mga pulisya maaaring aksidenteng tumama ang ulo nito sa isang matigas na bagay na sanhi ng pagkabagok nito o kaya'y sinadya patayin ito.


Ayon sa ama ng bata nagpaalam daw itong manguha ng gagamba kasama ang tatlo pa nitong kaibigan, kwento naman ng huling kasama ng biktima nagpaalam na raw itong umuwi ng makahuli na ito ng gagamba, habang sila naman ay naghanap pa sa ibang lugar bago magsipag-uwi na rin, sa tinamong pinsala ng biktima hindi  naniniwala ang mga kaanak nito na aksidente ang nangyari,ayun sa tiyuhin ng biktima para pinag tripan daw ang kanyang pamngkin kung normal daw na tao ang gagawa nun eh hindi ganun ka brutal ang sasapitin ng bata, iniimbestigahan na ng mga pulisya kun ano tunay na nangyari sa biktima sa nangyari insedente kung sinadya ba ito at ano ang motibo pra gawin ito sa bata o aksidente lang nangyari.

Subscribe to this Blog via Email :