Sponsored Link

Miyerkules, Agosto 17, 2016

Rey

LOTTO WINNER NAGULAT NG MALAMANG PANALO PALA SYA NG P31-MILYON JACKPOT MAKALIPAS PA ANG DALAWANG LINGGO!

Hindi sana malalaman ng isang lalaking taga Imus, Cavite na nanalo sya ng mega jackpot na P31-M sa mega lotto 6/45 kung hindi sya muling tumaya makalipas ang dalawang linggo. maswerteng nakuha ng lalake ang jackpot na P31,175,776 na premyo sa mega lotto na binola noong july 29.


Matapos nyang tayaan ang lumabas na kombinasyong 17-05-21-41-36-02 ayon sa nanalong lalake bumalik lamang sya umano sa lotto outlet makalipas ang dalawang linggo para muling tumaya nang magulat sya makitang lumabas pala ang kanyang dating tinayaan.


Nagmadali daw syang umuwi sa kanilang bahay para ipaalam sa kanyang asawa ang swerteng natanggap, halos mahimatay daw ang asawa nito sa sobrang pagkabigla at sayang nadarama, parehas daw silang hindi makapaniwala sa pangyayari. ayon sa ulat kinuha ng magasawa ang kanilang premyo sa opisina ng PCSO office sa mandaluyong city nito lamang August 12, makalipas ang 14 days,  plano ngaun ng mag-asawa na ibahagi ang kanilang napanalunan sa kanilang pitong anak bilang pamana, habang ang matitira ay para sa kanilang gastusin at planong mag negosyo.

Subscribe to this Blog via Email :