Sponsored Link

Biyernes, Agosto 5, 2016

Rey

MATANDANG BABAE PINAGKAMALANG MANGKUKULAM PINAGBABARIL.

Isang senior citizen na lola  ang binaril sa lungsod ng San Carlos sa lalawigan ng Pangasinan matapos akusahang mangkukulam. Ayon sa biktima, naglilinis ito sa kanilang bakuran nang bigla na lamang itong lapitan ng suspek at agad na pinaputukan.


Sa kabutihang palad hindi napuruhan ang matanda kaya't ito ay nakaligtas bagamat patuloy pang nagpapagaling sa ospital matapos itong isugod nang ilang kaanak base sa imbestigasyon ng police chief Dominic Pobete ng san carlos police station.


Inakusahang mangkukulam ang nasabing matandang biktima dahil raw inisisi ng suspek sa matanda angpagkakasakit ng ilan nitong kapit bahay. ayon sa mga nakasaksi galit na galit raw na sinugod ng suspek ang matanda at pilit na pinapaamin ang matanda na na isa syang mangkukulam at dahil sa itinatanggi ito ng biktima ay agag raw sya pinaputukan ng baril mabuti na lamang at dumating ang mag kaanak ng biktima upang saklolohan ang matanda. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente para mahuli ang suspek na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Subscribe to this Blog via Email :