Si Andrew Clifford ay 20yrs. old ng ma diagnosed ng isang ophthalmologist na si dr.kyle zurich na sya ay mayroong cataract sa kanyang dalawang mata, bagaman ang kaliwang mata nya ay lubhang malabo na ang paningin. bata pa si andrew ay sadyang malabo na ang kanyang mata kung kayat marami beses na syang nagpatingin sa ibat-ibang eye doctor.
At ni isa sa kanila ay walang nakapagsabi ng kanyang tunay na kondisyon, sa ginawang checkup ni dr.kyle sa kanyang mga mata sinabi nito na hindi nya raw maaring gawin ang surgery para tanggalin ang cataract sa kanyang kaliwang mata dahil maliit daw ito ng 5mm. sa kanyang kanang mata,kung meron man daw mag accept para gawin ang surgery ay kailangan muna ng pahintulot nya at kung interesado sya itong isagawa.
Habang hindi pa nakapgdesisyon si clifford kung tatangalin ito ay sinubukan nya muna inumin ang nireseta gamot sa kanya sa pangalawang araw na paginom nya ng gamot napansin nya may tumubo cyst sa kanyang cornea at pakiramdam nya ay may kung anong parasite ang nakapalibot sa kanyang kaliwang mata, dahil sa kagustuhan nyang subukang alisin ito gumamit sya ng ibat ibang klaseng herbal medicine tulad ng coconut oil, oregano oil at carvocol oil para ipatak sa kanyang mga mata, hanggang sa mapansin nya na unti-unti na nyang naaaninag ang mga uod sa kanyang mga mata, hindi nya malaman kung ano ba itong mga nasa mata nya kung ito ba ay roundworm or tapeworm o di kaya'y isang uri ng bacteria,,, nawqalan ng trabaho si andrew kung kayat hindi na nya magawa pang ipatingin ulit sa specialista ang kanya mga mata,, kaya kung sino man daw ang makakapagsabi kung ano ba ang nasa mga mata nya ipagpapasalamat daw nya ito ng lubos.