Sponsored Link

Lunes, Agosto 8, 2016

Rey

SI SHAYNE PAULI ANNE JONES ANG KAUNA-UNAHANG NANALO NG MEGA JACKPOT NG WOWOWIN.

Si SHAYNE PAULI ANNE JONES ang kauna- unahang nanalo ng mega jackpot prize sa programa wowowin.  matapos ang isang taon ng wowowin sa GMA network.Si Shayne ay half-British dahil sa kanyang ama ngunit hindi na niya nakilala ito matapos silang iwan ng kanyang inang si Rexy Soliman.


Bunso siya sa apat na magkakapatid na babae at ang natatanging nagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dulot na rin ng kakapusan sa pambayad. Siya ay nasa ikalawang taon ng kanyang pag-aaral ng kursong Business Management sa STI College Sta. Rosa, Laguna. umpisa pa lamang ay naging emosyonal na si shayne nang ikwento nya kay kuya wil ang sitwasyon nila sa relocation site.


Kung saan sila nanunuluyan aniya madalas sila nangangamba sa kanila kaligtasan  paglalarawan pa ni shayne madalas may maghahabulanng baril, saksakan at ilang bese na rin sila tinangkang pasukin sa kanilang bahay kung kayat ang magkaroon ng sarili bahay ang tunay nilang pangarap. Umabot sa 150 thousand ang offer ni kuya wil ngunit hanggang sa huli ay lumaban sila magina dahil payo daw ng kanyang ina ay huwag daw matakot sumugal kasi kung para sakin daw ,para sakin talaga ayon pa kay shane halos hindi sya makapaniwala  na nakuha nya ang mega jackpot parang nanlalambot po ako na hinihintay ko pong magising ako kasi baka po nasa dreamland lang ako, na nanaginip lang po ako na nanalo ako ng ganun, na may bahay na po kami, na meron na po kaming one million,” ani Shayne.Maliban sa pang-tuition ay mag-iipon daw sila at gagamitin ang napanalunang pera para magsimula ng negosyo at para paaralin din ang kanyang mga pamangkin.

Subscribe to this Blog via Email :