Sponsored Link

Linggo, Agosto 7, 2016

Rey

VIRAL VIDEO!! BUHAY NA MGA UOD SA TENGA NG LALAKI !!!

Doktor, tinanggal ang mga uod mula sa loob ng tenga ng isang lalake! Halos limang minutong video, kung saan tinatanggal ng isang Indian na doktor ang napakaraming uod mula sa tenga ng isang pasyente, ang gumagapang sa Internet mula pa noong Mayo – at ngayon ay naging viral na ito.
Pinuntahan ng isang lalake ang isang doktor sa Faizabad, India, at nagreklamo siya na may naririnig siyang ingay sa kanyang tenga.


Nadiskubre ni Dr. Bikram Yadav na ang pasyente ay mayroon palang aural myiasis, isang kondisyon kung saan sinakop ng mga fly larvae ang ilong o tenga ng tao. Habang tinatanggal ang mga buhay na uod mula sa tenga ng lalake, ay nag-record din ng video ang doktor.


Ang aural myiasis ay pangkaraniwan sa mga tropical at subtropical regions, at madalas na naaapektuhan ang mga batang wala png 10 years old, o ang mga nakatatanda. Kinakain ng mga larvae ang laman sa loob ng ear canal ng pasyente, at kapag hinayaan lang sila, ay maari silang sumiksik sa utak at patayin ang pasyente.


Ayon sa doktor, kapag napansin niyong medyo maraming langaw sa inyong paligid, ay mag-ingat at takpan ng tela ang inyong mukha bago kayo matulog, para hindi makapasok at mangitlog sa kahit na saang butas sa inyong katawan ang mga langaw.

Subscribe to this Blog via Email :